GOD is my GUIDE...
WheiLmharCuadra

WheiLmharCuadra

...Never PUT a GOOD MAN Down!!

Know me MORE by Reading THIS NOTES

"SALUDO ako sayo ANAK, simula ngayon, haharapin mo na ang TUNAY na MUNDO!!, Nakapagtapos ka na rin sa wakas ng Kolehiyo", Salitang namutawi sa labi ng aking ama, habang pilit na pinipigilang tumulo ang luha sa kanyang namumulang mata. Tila ba parang nanalo siya sa Lotto ng mga sandaling iyun. Tumatawa habang umiiyak. "Itay, bakit po kayo umiiyak?" Saad ko sa kanya habang yakap yakap niya ako. "Tears of Joy ito anak." marihing sabi niya. Ang mga eksenang iyo na yata ang pinakamasaya para sa kanya. Nakapagtapos ang isa sa kanyang limang anak sa kolehiyo. At hindi lang iyon, may karangalan pang natanggap ito dahil sa pagpupursige sa kanyang pag-aaral.Tila regalo na ngang maituturing ang mga sandaling iyon para sa kanya. yakap yakap nya ang kanyang anak at paulit ulit na sinsabi ng marahan ang mga salitang, "Galingan mo anak, hindi pa dito nagtatapos ang tunay na laban, marami ka pang masusumpungan, may mga uwak at tigreng lalapit sayo upang ikaw ay lapangin, may mga pagsubok ka pang daraanan, Kung noong nasa kolehiyo ka ay Thesis lamang ang kinahihirapan mo, sa panahong ito hindi na. Mga irigularidad sa paligid mo, mga batang awlang makain, mga manggagawang walang sapat na sahod at kahirapang tila walang katapusan. Galingan mo anak."

Hindi ko lubos maintindihan ang mga katagang iyon, kung saang sulok ba ng daigdig iyon kinuha ng aking ama, para bang karagatan na malalim na mahirap sisirin, parang bundok na mahirap akyatin. Sa madaling salita, "DEDMA" lang sakin ang mga salitang iyon. Marahil ang pagkatanggap ko ng karangalan ang dahilan kung bakit naging ganun kaemosyonal ang aking ama.Basta ang alam ko lang, tapos na ako, Tapos na sa apat na taon sa kolehiyo, apat na taong pakikipagsapalaran sa mga guro naming istrikto sa pagtuturo. Wala ng late sa skul, wala na ang gimik ng kaklase, wala ng Thesis, wala ng Defense, wala ng OJT, wala ng assignment, at wala na ring Sembreak. ANg saya ko noon dahil Tapos na. 

Mabilis na lumipas ang mga araw. 3 buwan agad ang lumipas. Ito ako nasa bahay lang, Nag-oonline gamit ang broadband na binili ng kapatid ko. Facebook, Twitter, youtube, yan lagi ang aking binubuksan sa tuwing mag oonline. wala akong pakiaalam sa nangyayari sa aking paligid. wala naman akong pasok kaya no worries para mag-alala. Habang nakaOL ay bigla may nag PM sakin sa FB. "Dre, san ka now?" Kaklase ko pala, hindi ko agad nakilala dahil iba naman talaga ang kanyang pangalan na totoo kumpara sa pangalan niya sa FB, JOHNNY JOE ang FB screen name niya samantalang JUANITO JOSELITO ang kanyang tunay na pangalan. Natawa ako ng sobra sa kanya. "LOL, akala ko artista, yun pala pirata,hahaha" sabi ko sa kanya habang iniexplore ang kanyang wall. "Musta ka na ngayon" sabi niya. "Ito gaya ng dati, PODE pa rin". Mga rebulosyonaryong larawan ang nakita ko sa kanyang account. akala koy trip niya lang kaya minabuti kong itaong sa kanya yun??? "AKTIBISTA ka ba??" "OO, namulat ako sa katotohanan ng MUnDO, maraming nagbago" saad niya. "Nagbago??"

INiba niya ang kwento ng mga sandaling iyon, "Free ka ba sa Linggo?" sabi niya sakin, sabi ko naman HINDI, lagi akong free.hehehe. May lakad daw kasi kami kasama ang mga katrabaho niya at may ipapakilala daw siya sakin na magandang dilag.  

Alas singko pa lang gising na ako ng araw ng linggo, pinakamaaga sa kalimitang oras ng paggising ko, kadalasan kasi alas 10 o 11 na ako nagigising, Nagkape muna ako bago naligo at saka nagsuot ng damit na medyo pormal. "San kana dre?? wait kita dito sa 7 11" txt sakin ni Johnny. "Nasa tricycle na ako, hintayin mo na lang ako jan." nagkita kami sa tapat ng 7 11, sa pagkikita namin, napansin kong marami ang nagbago sa kanya, hindi na siya ang dugyuting Juanito noong college kami, para bang malayo na ang kanyang narating. kumbaga nasa himpapawid na siya at isa na siyang ganap na agila at ako namay hanggang sa ngayon ay isa pa ring sisiw na nasa lupa pa rin. Hindi na siya ang Juanitong pinagtatawanan ko noon dahil laging natutulog kapag oras na ng klase. "Fight for Peace and Freedom" yun ang katagang nabasa ko sa baller niya. 


Alas Nuebe na ng umaga. Nagising ako ng isang malakas na tunog, Nagmumula pala ito sa CP ko, di ko naman ito inalarm, pero ang lakas lakas ng tunog. May tumatawag pala, Si Snap, isa sa mga aktibong Kabataan ng YIFI (Youth of Iglesia Filipina Independiente). Hindi ko inalintana ang kanyang tawag ngunit bigla ko na lang naalala na may importanteng bagay pala akong gagawin ngayong araw. Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga at mabilis na tinungo ang banyo, hubad sabay buhos. 9:30 na ako natapos sa paliligo. Ang araw pala na ito ay may lugar kaming pupuntahan na sinasabi nilang magmumulat daw sakin sa tunay na kalagayan ng aking paligid. Napapaisip tuloy ako kung anung lugar ito at kung saan. Tinext ko ang isa ko pang kapatid sa simbahan, Si Kuya Marc, ang dating Long hair na ngayo'y kalbo na. Di ko rin maisip kung bakit siya nagpakalbo, isang misteryo. Tinanong ko sa kanya kung saan an sinasabing pupuntahan na lugar. MULTINATIONAL!! Hintayin na lang kita dito, yun lang ang naging sagot niya sa text. Galing Las Piñas, sumakay ako ng tricycle papuntang Evacom, sa pagbaba ko sa EVACOM, nakita ko na naman ang batang minsang naikwento ko na rin sa mga nauna kong NOTES, kinumusta ko siya kung kumusta na, "Mabuti naman po kuya, idol!!" sabi niya sabay ngiti, ganun pa rin siya, nagmamalimos para may makain. at pagkatapos nun ay sumakay ulit ako ng Jeep papuntang Multi. At nung nasa daan na ako pagpasok sa Multi, isang nakakalungkot na imahe ang nakita ko, mataas ang harang na pader sa may gawing kanan ko, yun pala ay mga bahay ang nakatayo dun, mga ISKWATER, ILLEGAL SETTLER. Pilit na kinukubli ng nagtataasang pader para matakpan ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan. Sa kaliwa kasi nun ay nakatayo ang napakalawak na PALIPARAN. PALIPARAN na pag-aari ng iilang may kaya at matataas na uri ng tao sa lipunan. 

Andun na pala sa may kanto naghhintay si kuya Marc, Masaya siyang kumakaway sakin, para bang ang tagal na naming hindi nagkita. Kinumusta niya ako, ngiti lang at simpleng okey lang ang naitugon ko. Tumulak na kami sa pupuntahang lugar, sabi niya ay exposure daw ang gagawin namin. Di na ko bago sa salitang EXPOSURE dahil minsan  ko na rin itong naranasan ng pumunta ako sa TAGAYTAY kasama ang iba pang kabataan ng KKKP, kumbaga nailalarawan ko na ang magiging uri o anyo ng bahay na meron sila. Ordinaryo, Simple, at walang trabaho. Yun agad ang unang impresyon na pumasok sa isip ko. NGUNIT nagulat ako ng biglang dumaan ang isang EROPLANO sa mga bubong ng bahay na naroon. Hindi pala ito ordinaryo lang... Isa itong BAGONG HAMON sakin at pati na rin sa magiging tugon ko tungkol dito.

Nasa lob na ng bahay ang ibang Interviewee kabilang si kuya Marc, Kapatid na Reeve, isa pang ate na Ecumenical Partner ng Simbahan namin at si Len ng FOCOLARE, isang  private organization. Tinatanong na nila si ate at kuya na may ari ng bahay. Nakita kong walang kasangkapan sa bahay maliban sa isang makinang pantahi at isang electric fan. pagtatahi pala ng BASAHAN ang tanging ikinabubuhay ng pamilya. Sa mga retaso mula sa mga PABRIKA ng tela, pinagdudugtong nila ito at ginagawang bagong produkto, BASAHAN, isang bagay, gamit, kasangkapan na alam na marahil ng karamihan, kung saan ito ginagamit, kung ano ang silbi. Yun ang kanilang pinagkakakitaan. Kakarampot na barya lang ang nakukuha nila mula sa mga produktong ito. Hindi ito sapat para sa kanilang mag-anak, ngunit sadyang mabait at mapagmahal ang DIYOS, may 2 anak ang mag-asawa, si Rose ANN na 4 years old na nasa DAY CARE na at si REDWARD na First Year high school na. Di ko na naitanong kina ate kung matalino ang kanilang panganay dahil nakita mismo ng mga mata ko ang mga medalyang nakasabit sa kanilang mga pader. May GOLD, SILVER Medal ang nakasabit dun, patunay lamang na may angking talino ang kanilang anak. Namangha din ako ng minsang ikinuwento ni ate na may magandang pangarap siya para sa kanyang mga anak. Naisip ko tuloy,, AKO!!! Anuh ba talaga ang BAGay na gusto kong mangyari? , Anung bagay ba ang dapat kong magawa,? Sa mga panahong iyong naisip ko na ang buhay na meron ako ngayon ay isa ng magandang regalo mula sa MAYLIKHA. Mapalad ako kung tutuusin, kumakain ako ng tatlong beses sa isang araw. May maayos na tirahan. May mga kasangkapan sa bahay, ngunit sila? TANGING MAKINARYANG PANTAHI lamang at electric fan. Nakatira sa maliit na tirahan.

Patuloy na nagkukwento sina ate at kuya sa estado ng buhay nila, nakikinig lamang ako sa mga kasama ko sa mga itatanong nila. Minamasdan ko na lang ang ginagawa ni ate habang naggugupit ng mga retaso para sa kanyang OBRANG BASAHAN.. Napasentro lang ang pandinig ko ng sinabi ni kuya na "Graduate ako ng MARINE, pero napeke ako." Isang katagang narinig ko na rin sa kaibigan ko sa probinsya namin. Mga kababayan nating napagsasamantalahan ng ibang mga may kaya at mayayaman, Sila lang ang nakikinabang sa mga pinagpapawisan ng mga aping mamamayan. Kakarampot na nga ang naiuuwi sa pamilya, Wala pang sapat na benipisyo para sa bukas na daratin. Kakasakit Isipin pero ito ang riyalidad ng buhay na nakita ko sa araw na ito, di ko man nararamdaman ang kanilang hirap na dinaranas ngayon, nauunawaan ko naman kung bakit patuloy silang bumabangon mula sa pagkakadapa at muling humakbang pasulong, PARA sa MAGANDANG BUKAS, PARA  sa KANILANG mga ANAK, At PARA MAKAMTAN ang PANGARAP. Nasabi ko na lang, "Sa Bawat punas ng BASAHANG ginagamit ko ngayon, May TAO akong binibigyan ng pagkakataong HARAPIN ang ISANG MAGANDANG BUKAS"



Wala akong maisip na mga salita sa mga panahong nakasakay na ako sa bangkang iyon. Yari lamang ito sa Flywood at mga kahoy, medyo malambot na ang ibang parte ng bangkang iyon, at baka marahil sa lakas ng alon ay masira ito at unti-unting mapira-piraso. "Matagal na namin itong ginagamit sa pangingisda, kaya tiwala kami sa kakayahan ng bangkang ito!", Bigkas ni kuya ng tinanong ko tungkol sa bangka, katabi ko siya sa mga sandaling iyon, siya ang may hawak ng manibela ng aming sinasakyan, Kumbaga nasa sa kanyang mga kamay ang aming kaligtasan, sa kanyang kamay nakasalalay ang aming haharapin na alon. Kunting pagkakamali niyay magiging katapusan din ng aming mga susuungin na hamon. Hindi pa siya gaanong katandaan, siguro nasa pagitan palang siya ng 25 hanggang 30 taong gulang. "Dito na ako pinanganak, at marahil dito na rin ako tatanda", Saad niya uli. Natanong ko nalang sa sarili ko, anong klaseng buhay pa kaya ang bubunuin nila pag dumami pa ang basurang nasa dagat na yon, anuh pa kaya ang ipapakain niya sa kanyang mga anak. Ang araw araw nilang pamumuhay ay araw araw na pakikipagsapalaran, pakikipaglaban sa hirap ng katayuan sa lipunan. Mabuti pa nga tayo dahil may mga panahon pa tayong makapamili ng magagarang damit sa mga MALL, makabili ng mamahaling Cellphone, Basta may bagong labas na Teknolohiya, abala agad tayo sa pag iipon ng pera para mabili agad natin ito. Pero sila, ang bawat araw nilang kinikita mula sa pagtatahong, pagtatalaba, at pangingisda ay di sapat para sa kanilang mag-anak. Kaawa awang eksena, kung naging direktor ako sa panahong ito, marahil hindi ko kayang lagyan ng magandang script ang gagawin kong pelikula, hndi ko mabibigyan ng magandang interpretasyon ang bawat eksena. Dahil hindi ko naman ito nararanasan, hindi ko nararamdaman ang hirap na pinapasan nila araw-araw. 

Nakadungaw ako sa mga bahay na nasa aking bandang kanan, sa may hulihang parte ako ng bangka nakasakay. di kami dun nagsisiksikan. Katabi ko ang isang bata, at si Kuya na may hawak ng Manibela. Naglalakihang mga bahay ang makikita mo sa kabilang parte. Mga bahay na pagmamay-ari ng ilang mayayamang uri. Ngunit sa kaliwa ang kabaliktaran nito, mga tagpi tagping piraso ng basura na pinagbuo buo para gawing pantapal sa kanilang mga buong at pader, mga piraso ng kahoy na napulot lamang na lumulutang sa dagat at ginawang pundasyon para maitayo ang kanilang tinatawag na palasyo. BAHAY ang tawag nila dito. Bahay na nagsisilbing pananggalang sa init ng araw at sa buhos ng ulan, Bahay na naging pook pahingahan pagdating ng pagdungaw ng buwan. Sa bahay na ito nagmumula ang pangarap ng ilan natin nating mga kababayan, pangarap na maiahon sila sa banig ng kahrapan. Tila imposible kung iisipin ngunit maari namang makamtan kung bibigyan lang sila ng opurtunidad na isigaw ang kanilang tunay na kalagayan. Ito ang kanilang Palasyo, lugar na malayo ang pinagkaiba sa ating mga tahanan. Sa loob ay nagsisiksikan ang mag-anak, INSTANT banyo, Walang Mesang paghahainan ng kanilang biyayang nataggap sa maghapon na pagtatrabaho. Ganito ang mga eksenang ayaw makita ng iba dahil diring-diri sila, ang iba naman ay alam na ngunit ayaw lang talagang tingnan dahil nagbubulagbulagan sa kalagayan ng kasalukuyan.

Hindi ako magaling na manunulat para ilarawan ang mga bagay na nakita ko sa araw na iyon. Di rin ako isang pintor na mahusay para ipinta ang buong larawan ng lugar na iyon. Pinipilit ko na lang na imulat ang aking kaisipan na ganun talaga ang tunay na kalagayan ng aking paligid. Marahil nung unaay bulag pa ako sa sitwasyon ng aking kapaligiran dahil di naman ito isang isyu para sa akin.

Nasa loob pa kami ng bangka ng makita namin ang mga lalaking nasa gitna ng isang maliit na pulo, PULO ng basura pala. Mga basurang naimbak sa gitna ng dagat. Sa pulong ito, kinakalkal nila ang mga basura para makakuha ng kalakal na maiibebenta sa mga Junk Shop. Hindi man lang nila alintana ang sama ng amoy ng mga basurang nandoon, basta ba may makuha silang kalakal.

Nagliparan din ang mga ibon sa aming paglalakbay na yun, mga ibon na malaya, ibon na sumisimbolo ng kalayaan, ngunit mga mamamayang nandoon ay kailanma'y hindi nagiging malaya sa ganong uri ng kabuhayan.

Malapit ng dumaong ang aming bangka, Isa na naman daw na community ang aming pupuntahan, FLOATING COMMUNITY daw sabi ni Ate AMMIE, siya yung parang Tour Guide namin sa lugar na iyon, Pinipilt niyang ipamulat sa amin ang mga bagay na nangyayari sa paligid. Noong una akala ko sa floating community na iyon ay may matatagpuan na akong magndang bahay. Bahay na iba di tulad sa mga bahay na nadaanan namin habang nasa bangka kami. Ang akala ko ay mas maganda ito kesa sa nauna. May maayos na bubong, may sala, may magandang hapag kainan. Ngunit ang inaakala kong magandang imahe ay mapapalitan pa ng riyalidad na mas masahol pa sa talagang anyo. Mula sa pinagtagpi tagping kalakal na napulot sa dagat, mga kawayan na parang wala ng tibay, mga pira pirasong kahoy na pinagdugtong, mga lumang silya na nirecycle, mga tarpaulin na mula sa mga pastor na may kawanggawa. Ito ang mga bagay na makikita mo sa kanilang tinuturing na PALASYO. Walang pinagkaiba sa mga tahanang nadaanan namin kani kanina lang, ang nadagdag lang sa mga bahay na ito ay ang mga StyRFOAM sa ilalim ng kanilang bahay, nagsisilbing pampalutang kapag tumataas ang tubig. Bahay na nagiging INSTANT BALSA. Ayos di ba? ANg tanong kaya mo kayang mamuhay sa lugar na ito.? Kaya mo kayang makipagsapalaran sa along nasa paligid mo?