GOD is my GUIDE...
WheiLmharCuadra

WheiLmharCuadra

...Never PUT a GOOD MAN Down!!

Blog

view:  full / summary

Tula Bago matapos ang Taong 2013

Posted by wilmarcuadra on January 1, 2014 at 9:35 PM Comments comments (0)

GALA

"You shall love your neighbor as yourself.’ There is no other commandment

greater than these.-Mark 12:31”

Sila na parang nagpulbos ng Basahan sa mukha

Ang damit ay punit punit at sira sira

Ang salawal ay butas butas

Ang di magkatugmang pares ng tsinelas

Ang paay parang innlublob sa Putikan

Amoy na di-pangkaraniwan.

 

Sila na lagi mong pansin sa maingay na lungsod

Minsan tumatawa, minsan humahagohol, minsan manikluhod.

Sila na kung magpapansin ay over na.

Ngunit ang tanong, TAO rin sila di ba?

 

Subukan mong abutin ang lalim ng kanilang iniisip

Subukan mong danasin ang pait na kanilang dinanas]

Subukan mong suungin ang mapamuksang kabiguan

Subukan mong lampasan ang dambulahang kasawian

 

Kaya mo pa ba?

Kung oo, mapalad ka.

Meron kang ISIP para maitama ang MALI

Meron kang panahon na idilat ang mata sa matagal na

pagkakahimbing. Meron kang ORAS, IDILat mo. AT sa duloy

makikita mo. Walang eksenang ganito, kung mulat ang mga mata mo!!!

ITSURA ng LUNGSOD

"Give us this Day our daily Bread-Matt. 6:11"

Sila na ang Tahanan ay Kalsada

Sila na ang pagkain ay mula sa inabot mong barya

Sila na karton ang pansapin sa higaan

Sila na sumisigaw sa PAIT ng kahirapan

 

Kelan mo ba sila makikita?

Kelan mo sila madidinig?

Kung ang lahat ay huli na

 

Dumaan ang pasko, Karamihan

sa atin sa bahay may salo-salo

Samantalang sila, sa kalsada

Namamalimos, nagmamakaawa sa inyo

Humihingi pambili ng Pagkain na panglaman

sa tiyan.

 

 

Bagong taon na.

subukan nating idilat ang ating mga tulog nating mata

Kung sa tingin niyo naghihirap ka na.

Nagkakamali ka. Igala mo ang iyong mata.

 

#2014

Si MAMANG SEKYO..

"The fear of the Lord is the beginning of knowledge; fools despise wisdom and

instruction. -Proverbs 1:7"

 

Sila na Magbabagong Taon na malayo sa Pamilya

Tinitiis ang Puyat para sa pinangakong Kaligtasan ng kompanya

gabi-gabing nilalagari ang lamig ng magdamag

Minsan ay wala ngang mainit na kape na malalanghap

 

Sila na ang puhunan ay buhay

Sila na kaaway ng ating kaaway.

Sila na handang maglingkod sa iyo.

Ngunit bakit pagkatapos ng KONTRATA nila

Lahat ng sakripisyo tila NAHINTO.

 

Sila na IDOLO ko sa araw na ito

Mga SEKYU. Salado ako sainyo

Sa pagsapit ng bagong taon,

Pagpalain nawa kayo.

At magbunga ng MARAMI ang sakripisyong ginawa niyo

at patuloy na umusbong ang LAKAS PAGGAWA ng PILIPINO

 

Happy new Year.!



BASAHAN

Posted by wilmarcuadra on July 20, 2013 at 7:45 AM Comments comments (0)

BASAHAN

Alas Nuebe na ng umaga. Nagising ako ng isang malakas na tunog, Nagmumula pala ito sa CP ko, di ko naman ito inalarm, pero ang lakas lakas ng tunog. May tumatawag pala, Si Snap, isa sa mga aktibong Kabataan ng YIFI (Youth of Iglesia Filipina Independiente). Hindi ko inalintana ang kanyang tawag ngunit bigla ko na lang naalala na may importanteng bagay pala akong gagawin ngayong araw. Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga at mabilis na tinungo ang banyo, hubad sabay buhos. 9:30 na ako natapos sa paliligo. Ang araw pala na ito ay may lugar kaming pupuntahan na sinasabi nilang magmumulat daw sakin sa tunay na kalagayan ng aking paligid. Napapaisip tuloy ako kung anung lugar ito at kung saan. Tinext ko ang isa ko pang kapatid sa simbahan, Si Kuya Marc, ang dating Long hair na ngayo'y kalbo na. Di ko rin maisip kung bakit siya nagpakalbo, isang misteryo. Tinanong ko sa kanya kung saan an sinasabing pupuntahan na lugar. MULTINATIONAL!! Hintayin na lang kita dito, yun lang ang naging sagot niya sa text. Galing Las Piñas, sumakay ako ng tricycle papuntang Evacom, sa pagbaba ko sa EVACOM, nakita ko na naman ang batang minsang naikwento ko na rin sa mga nauna kong NOTES, kinumusta ko siya kung kumusta na, "Mabuti naman po kuya, idol!!" sabi niya sabay ngiti, ganun pa rin siya, nagmamalimos para may makain. at pagkatapos nun ay sumakay ulit ako ng Jeep papuntang Multi. At nung nasa daan na ako pagpasok sa Multi, isang nakakalungkot na imahe ang nakita ko, mataas ang harang na pader sa may gawing kanan ko, yun pala ay mga bahay ang nakatayo dun, mga ISKWATER, ILLEGAL SETTLER. Pilit na kinukubli ng nagtataasang pader para matakpan ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan. Sa kaliwa kasi nun ay nakatayo ang napakalawak na PALIPARAN. PALIPARAN na pag-aari ng iilang may kaya at matataas na uri ng tao sa lipunan.

Andun na pala sa may kanto naghhintay si kuya Marc, Masaya siyang kumakaway sakin, para bang ang tagal na naming hindi nagkita. Kinumusta niya ako, ngiti lang at simpleng okey lang ang naitugon ko. Tumulak na kami sa pupuntahang lugar, sabi niya ay exposure daw ang gagawin namin. Di na ko bago sa salitang EXPOSURE dahil minsan ko na rin itong naranasan ng pumunta ako sa TAGAYTAY kasama ang iba pang kabataan ng KKKP, kumbaga nailalarawan ko na ang magiging uri o anyo ng bahay na meron sila. Ordinaryo, Simple, at walang trabaho. Yun agad ang unang impresyon na pumasok sa isip ko. NGUNIT nagulat ako ng biglang dumaan ang isang EROPLANO sa mga bubong ng bahay na naroon. Hindi pala ito ordinaryo lang... Isa itong BAGONG HAMON sakin at pati na rin sa magiging tugon ko tungkol dito.

Nasa lob na ng bahay ang ibang Interviewee kabilang si kuya Marc, Kapatid na Reeve, isa pang ate na Ecumenical Partner ng Simbahan namin at si Len ng FOCOLARE, isang private organization. Tinatanong na nila si ate at kuya na may ari ng bahay. Nakita kong walang kasangkapan sa bahay maliban sa isang makinang pantahi at isang electric fan. pagtatahi pala ng BASAHAN ang tanging ikinabubuhay ng pamilya. Sa mga retaso mula sa mga PABRIKA ng tela, pinagdudugtong nila ito at ginagawang bagong produkto, BASAHAN, isang bagay, gamit, kasangkapan na alam na marahil ng karamihan, kung saan ito ginagamit, kung ano ang silbi. Yun ang kanilang pinagkakakitaan. Kakarampot na barya lang ang nakukuha nila mula sa mga produktong ito. Hindi ito sapat para sa kanilang mag-anak, ngunit sadyang mabait at mapagmahal ang DIYOS, may 2 anak ang mag-asawa, si Rose ANN na 4 years old na nasa DAY CARE na at si REDWARD na First Year high school na. Di ko na naitanong kina ate kung matalino ang kanilang panganay dahil nakita mismo ng mga mata ko ang mga medalyang nakasabit sa kanilang mga pader. May GOLD, SILVER Medal ang nakasabit dun, patunay lamang na may angking talino ang kanilang anak. Namangha din ako ng minsang ikinuwento ni ate na may magandang pangarap siya para sa kanyang mga anak. Naisip ko tuloy,, AKO!!! Anuh ba talaga ang BAGay na gusto kong mangyari? , Anung bagay ba ang dapat kong magawa,? Sa mga panahong iyong naisip ko na ang buhay na meron ako ngayon ay isa ng magandang regalo mula sa MAYLIKHA. Mapalad ako kung tutuusin, kumakain ako ng tatlong beses sa isang araw. May maayos na tirahan. May mga kasangkapan sa bahay, ngunit sila? TANGING MAKINARYANG PANTAHI lamang at electric fan. Nakatira sa maliit na tirahan.

Patuloy na nagkukwento sina ate at kuya sa estado ng buhay nila, nakikinig lamang ako sa mga kasama ko sa mga itatanong nila. Minamasdan ko na lang ang ginagawa ni ate habang naggugupit ng mga retaso para sa kanyang OBRANG BASAHAN.. Napasentro lang ang pandinig ko ng sinabi ni kuya na "Graduate ako ng MARINE, pero napeke ako." Isang katagang narinig ko na rin sa kaibigan ko sa probinsya namin. Mga kababayan nating napagsasamantalahan ng ibang mga may kaya at mayayaman, Sila lang ang nakikinabang sa mga pinagpapawisan ng mga aping mamamayan. Kakarampot na nga ang naiuuwi sa pamilya, Wala pang sapat na benipisyo para sa bukas na daratin. Kakasakit Isipin pero ito ang riyalidad ng buhay na nakita ko sa araw na ito, di ko man nararamdaman ang kanilang hirap na dinaranas ngayon, nauunawaan ko naman kung bakit patuloy silang bumabangon mula sa pagkakadapa at muling humakbang pasulong, PARA sa MAGANDANG BUKAS, PARA sa KANILANG mga ANAK, At PARA MAKAMTAN ang PANGARAP. Nasabi ko na lang, "Sa Bawat punas ng BASAHANG ginagamit ko ngayon, May TAO akong binibigyan ng pagkakataong HARAPIN ang ISANG MAGANDANG BUKAS"

Tawag Nila dito ay BAHAY

Posted by wilmarcuadra on July 20, 2013 at 7:45 AM Comments comments (0)

Tawag nila dito ay BAHAY!!!

Wala akong maisip na mga salita sa mga panahong nakasakay na ako sa bangkang iyon. Yari lamang ito sa Flywood at mga kahoy, medyo malambot na ang ibang parte ng bangkang iyon, at baka marahil sa lakas ng alon ay masira ito at unti-unting mapira-piraso. "Matagal na namin itong ginagamit sa pangingisda, kaya tiwala kami sa kakayahan ng bangkang ito!", Bigkas ni kuya ng tinanong ko tungkol sa bangka, katabi ko siya sa mga sandaling iyon, siya ang may hawak ng manibela ng aming sinasakyan, Kumbaga nasa sa kanyang mga kamay ang aming kaligtasan, sa kanyang kamay nakasalalay ang aming haharapin na alon. Kunting pagkakamali niyay magiging katapusan din ng aming mga susuungin na hamon. Hindi pa siya gaanong katandaan, siguro nasa pagitan palang siya ng 25 hanggang 30 taong gulang. "Dito na ako pinanganak, at marahil dito na rin ako tatanda", Saad niya uli. Natanong ko nalang sa sarili ko, anong klaseng buhay pa kaya ang bubunuin nila pag dumami pa ang basurang nasa dagat na yon, anuh pa kaya ang ipapakain niya sa kanyang mga anak. Ang araw araw nilang pamumuhay ay araw araw na pakikipagsapalaran, pakikipaglaban sa hirap ng katayuan sa lipunan. Mabuti pa nga tayo dahil may mga panahon pa tayong makapamili ng magagarang damit sa mga MALL, makabili ng mamahaling Cellphone, Basta may bagong labas na Teknolohiya, abala agad tayo sa pag iipon ng pera para mabili agad natin ito. Pero sila, ang bawat araw nilang kinikita mula sa pagtatahong, pagtatalaba, at pangingisda ay di sapat para sa kanilang mag-anak. Kaawa awang eksena, kung naging direktor ako sa panahong ito, marahil hindi ko kayang lagyan ng magandang script ang gagawin kong pelikula, hndi ko mabibigyan ng magandang interpretasyon ang bawat eksena. Dahil hindi ko naman ito nararanasan, hindi ko nararamdaman ang hirap na pinapasan nila araw-araw.

Nakadungaw ako sa mga bahay na nasa aking bandang kanan, sa may hulihang parte ako ng bangka nakasakay. di kami dun nagsisiksikan. Katabi ko ang isang bata, at si Kuya na may hawak ng Manibela. Naglalakihang mga bahay ang makikita mo sa kabilang parte. Mga bahay na pagmamay-ari ng ilang mayayamang uri. Ngunit sa kaliwa ang kabaliktaran nito, mga tagpi tagping piraso ng basura na pinagbuo buo para gawing pantapal sa kanilang mga buong at pader, mga piraso ng kahoy na napulot lamang na lumulutang sa dagat at ginawang pundasyon para maitayo ang kanilang tinatawag na palasyo. BAHAY ang tawag nila dito. Bahay na nagsisilbing pananggalang sa init ng araw at sa buhos ng ulan, Bahay na naging pook pahingahan pagdating ng pagdungaw ng buwan. Sa bahay na ito nagmumula ang pangarap ng ilan natin nating mga kababayan, pangarap na maiahon sila sa banig ng kahrapan. Tila imposible kung iisipin ngunit maari namang makamtan kung bibigyan lang sila ng opurtunidad na isigaw ang kanilang tunay na kalagayan. Ito ang kanilang Palasyo, lugar na malayo ang pinagkaiba sa ating mga tahanan. Sa loob ay nagsisiksikan ang mag-anak, INSTANT banyo, Walang Mesang paghahainan ng kanilang biyayang nataggap sa maghapon na pagtatrabaho. Ganito ang mga eksenang ayaw makita ng iba dahil diring-diri sila, ang iba naman ay alam na ngunit ayaw lang talagang tingnan dahil nagbubulagbulagan sa kalagayan ng kasalukuyan.

Hindi ako magaling na manunulat para ilarawan ang mga bagay na nakita ko sa araw na iyon. Di rin ako isang pintor na mahusay para ipinta ang buong larawan ng lugar na iyon. Pinipilit ko na lang na imulat ang aking kaisipan na ganun talaga ang tunay na kalagayan ng aking paligid. Marahil nung unaay bulag pa ako sa sitwasyon ng aking kapaligiran dahil di naman ito isang isyu para sa akin.

Nasa loob pa kami ng bangka ng makita namin ang mga lalaking nasa gitna ng isang maliit na pulo, PULO ng basura pala. Mga basurang naimbak sa gitna ng dagat. Sa pulong ito, kinakalkal nila ang mga basura para makakuha ng kalakal na maiibebenta sa mga Junk Shop. Hindi man lang nila alintana ang sama ng amoy ng mga basurang nandoon, basta ba may makuha silang kalakal.

Nagliparan din ang mga ibon sa aming paglalakbay na yun, mga ibon na malaya, ibon na sumisimbolo ng kalayaan, ngunit mga mamamayang nandoon ay kailanma'y hindi nagiging malaya sa ganong uri ng kabuhayan.

Malapit ng dumaong ang aming bangka, Isa na naman daw na community ang aming pupuntahan, FLOATING COMMUNITY daw sabi ni Ate AMMIE, siya yung parang Tour Guide namin sa lugar na iyon, Pinipilt niyang ipamulat sa amin ang mga bagay na nangyayari sa paligid. Noong una akala ko sa floating community na iyon ay may matatagpuan na akong magndang bahay. Bahay na iba di tulad sa mga bahay na nadaanan namin habang nasa bangka kami. Ang akala ko ay mas maganda ito kesa sa nauna. May maayos na bubong, may sala, may magandang hapag kainan. Ngunit ang inaakala kong magandang imahe ay mapapalitan pa ng riyalidad na mas masahol pa sa talagang anyo. Mula sa pinagtagpi tagping kalakal na napulot sa dagat, mga kawayan na parang wala ng tibay, mga pira pirasong kahoy na pinagdugtong, mga lumang silya na nirecycle, mga tarpaulin na mula sa mga pastor na may kawanggawa. Ito ang mga bagay na makikita mo sa kanilang tinuturing na PALASYO. Walang pinagkaiba sa mga tahanang nadaanan namin kani kanina lang, ang nadagdag lang sa mga bahay na ito ay ang mga StyRFOAM sa ilalim ng kanilang bahay, nagsisilbing pampalutang kapag tumataas ang tubig. Bahay na nagiging INSTANT BALSA. Ayos di ba? ANg tanong kaya mo kayang mamuhay sa lugar na ito.? Kaya mo kayang makipagsapalaran sa along nasa paligid mo?

KALIGAYAHAN

Posted by wilmarcuadra on April 4, 2013 at 11:45 AM Comments comments (2)

“WHAT DOES TRUE HAPPINESS MEANS?”


Ang pagiging masaya ay maaring maraming dahilan. Ito ay maaring tungkol sa LOVE, SUCCESS, at ACCOMPLISHMENTS. May mga taong nagsasabing sila ay masaya dahil nais lamang nilang itago ang problemang dinaraanan. May mga tao namang nagsasabi na sila ay masaya dahil sa KUNTENTO na sila sa kanilang buhay sa kasalukuyan. Yun bang they don’t except for more. At may mga taong masaya lamang pagkaharap mo lang subalit pag nakatalikod na’y may kutya ka ng maririnig. Ikaw? Paano mo ipinapakita ang kasiyahan sa sarili mo? Sapat na bang ngumiti at ipakita ang dimples para sabihing ikaw ay masaya? Sapat na bang sabihin na masaya ka ngunit may mga taong ibinabagsak ka? Sapat na ba yun?

Lahat ng tao ay nakakaranas ng problema, mahirap man ito o madali. Maging ang mga bata at matatanda ay nakakaranas din. Problema na kadalasa’y dinadaan na lamang sa tawa. Kahit pilit ay ginagawa pa rin. Sabi nga “laughter is the best medicine” but how? Paano mo tatawanan or ngingitian ang isang roblema kung oras – oras, araw – araw, minu – minuto itong sumasagi sa isip mo. Paano magiging laughter is the best medicine kung sa bawat ngiti mo’y may kapalit na problema? Sa bawat tawa mo’y may kapalit na pagdududa? Kung sa bawat tawa mo’y may pangungutya ng iba?It’s unfair di ba? Paano ka tatawa kung ang isang paa mo’y ibinabaon na ng iba? Na kahit gumawa ka ng isang libong kabutihan o tama ay may pagdududa pa rin mula sa kanila? Bakit may ganun? Bakit may mga taong pilit na inaalis sa atin ang karapatang maging masaya? Bakit may mga taong pilit na pinipigil ang ating kasiyahan? All of us have the right to be happy sa lahat ng bagay. Physically, emotionally at spiritually happy. Hindi ito hiram o binili ng pera o anumang maaring pambili. Ito ay nadarama at nararamdaman. In what way? Kung ang paligid nati’y naiintindihanang ating kaisipan at saloobin.

Happiness is not built in our own hand. Magiging masaya ka ba sa sarili mo kung ang iba ay hindi masaya para sayo? Magiging proud ka ba sa sarili mo kung ang iba ay hindi proud sayo? I think hindi. Happiness is created by God to enlighten our life sa mga madilim na daan. It is like a lamp sa kadiliman ng bahay. Tulad ng buwan sa kadiliman ng gabi. It is our strength to face all the challenges in life. It is not built in our own hand. It was built thru others. Kapaligiran natin ang nagbibigay ng kalayaan para tayo ay maging masaya. They are the one who teaches us how to smile, how to be happy. Sila ang rason kung bakit kailangan nating tumawa. Many said that happiness will be made kung ang kagustuhan nila ang masusunod. Kung kalooban nila ang sinusunod at kung utos nila ang laging pinakikinggan. Dinadagdagan pa nila ito ng katagang “for your sake o para sayong kapakanan”. Do they really know na dahilsa mga ganitong bagay kung bakit naiisipan ng ilan ang magrebelde laban sa kanilang mga magulang. REBELDE is the stage na kung saan hinahanap natin ang tunay na kaligayahan. Kaligayahan na ipinagdadamot sa atin ng iba. Kaligayahan na tinatamasa sana ngunit ang iba’y kumokontra. Magrebelde ay hindi stage na kung saan mawawala o matatanggal ang ating pagmamahal sa magulang o pamilya. Bagkus ito ay isang “thinking point para sa kanila”. Bakit magrerebelde ang anak mo kung hindi mo ipinagdamot ang kaligayahang dapat ay nasa kanya. I agree sa kasabihang “mother always knows what is the best for his/her child”. Walang magulang ang naghangad ng kasamaan sa kanyang anak ngunit ang tanong? Naibigay mo ba ang lahat ng best mo para sa kanya? Naipakita mo ba lahat ng best mo para lumigaya siya? Sumuporta ka ba sa lahat ng desisyong ginawa niya? Napuri mo ba siya sa mga achievements at accomplishments niya? Nabigyan mo ba siya ng tamang advice ng sabihing may minamahal siya? O ikaw itong unang nangutya? O ikaw itong unang nagpaiwas sa kanya?

Happiness first found at home. Sa bahay ito lagi nagsisimula. Sa bahay na kung saan tayo lumaki at natuto ng lahat ng bagay. Ngunit kung ang bahay na mismong ito ang unang pumigil ng iyong kasiyahan. Tiyak mangyayari ang mga pangit na bagay.Ang hindi pagkakaintindihan ng bawat isa, ang pag – aaway, at ang pinakamabigat, ang pag-alis ng isa sa mga kasapi nito. Pagrerebelde ang kadalasang nagiging epekto ng kulang na understanding sa loob ng bahay. Ano ba dapat nating gawin gawin para tayo ay maging masaya? Sapat na ba na pakinggan ang payo ng ating mga magulang? Sapat na bang sundin ang kanilang kalooban? Puwede, pero kailangan din dapat intindihin ng ating mga magulang ang ating pansariling kaligayahan. Kailangan din nilang unawain ang ating kalooban at damdamin. Kailangan din nilang alamin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin. Kailangan din sana nilang malaman na ipinanganak tayo para sa matikman angsarap at ganda ng buhay. Ipinanganak para malaman o alamin ang ating mga purpose sa buhay. Kailangan nilang malaman na ipinanganak tayo para hanapin ang tunay na kaligayahan. Mother always knows what is the best for his/her child. Kailangang alamain niya kung ano ang bagay na magpapasaya sa kanyang anak. Kung talagang mahal niya ang kanyang anak,he/she accept all the decision na ginagawa ng kanyang anak. Kahit mahirap man ito o madali. Dapat ay naroon siya para sumuporta hindi para kumuntra. Giving advice ay isa sa mga best na ginagawa ng magulang kung gumagawa ng isang desisyon ang kanyang anak. Advice na para sa ikakabuti hindi para sa ikakasama.

Lahat tayo ay naghahangad na lumigaya. Katulad din ng isang bata na nagiging masaya kapag naibibigay ang nais na laruan. Tulad ng isang kandidato na nanalo pagkatapos ng eleksiyon. Tulad ng isang lasenggo na sumasaya kapag nalalagyan ng alak ang lalamunan. Tulad ng isang tinder ng isda kapag dumadating ang kanyang suki. Ngunit paano natin malalaman na tayo ay masaya? Paano natin ito maipapakita? Paano mararamdaman? Try to ask yourself. ikaw din mismo ang makakasagot nito. Open your mind. Basta ako,masaya ngayon. Hindi man halata sa kilos at galaw, pero ramdam ng buong pagkataoko ang kasiyahang nadarama ko sa ngayon.

O.F.W.

Posted by wilmarcuadra on April 4, 2013 at 11:40 AM Comments comments (0)


Saludo ako sa ating mga kababayan

na nagtatarabaho sa ibang bansa.

Canada, London, UAE, Dubai, Qatar

at kung saan saan pang panig ng universe.

Hindi maikakailang sila

ang mga makabagong Bayani ng bayan.

Being an OFW is not an easy destination,

hindi ito ang stage na mamumuhay ka na

ng maganda, masaya

at punong puno ng happines sa life.

Its not the stage where you can buy all

the things you want in life,

Its not the time to take a monthly celebration

when your montly salary came.

Being an OFW is the stage where

SACRIFICE, SELF-PITY, PERSEVERANCE,

and RESPONSIBILITY arises.

Maraming challenges and darating

more hard chalenges.

Let me tackle about RESPONSIBILITY.

Responsibilidad. Marami sa ating mga

kababayan ang naglakas ng loob na

pumunta sa ibang bansa para sa responsiblidad nila

sa kanilang mga pamilya.

Responsibilidad na mabigyan ng

magandang buhay ang kanilang mga anak,

Magandang buhay ang kanilang pamilya.

Maiahon ang kabuhayan.

Ilan lamang ito sa mga responsibilidad na ginagawa nila.

SELF-PITY, pagkaawa sa sarili.

yah that's true. Maaring hindi pa natin alam

ang buhay ng ating mga kababayan sa ibang bansa.

Siguro akala natin na laging masasarap

ang kanilang mga kinakain,

siguro iniisip natin na nakahiga lamang sila sa banig ng

EURO, RIYAL, DOLAR, YEN

Pero ang katotohanan, sa bawat pagkain isusubo nila

at ipapasok sa kanilang tiyan ay pagod

tiyaga, ang kanilang ipinuhunan.

Pagkaing dapat masarap, napapalitan ng simple dahil

sa pamilyang nasa Pinas naghihintay.

Naghihintay sa perang pinag-tiyagaan,

pinagpaguran at dugo't pawis

ang ipinuhunan.

PERSEVERANCE or tiyaga ay isa sa mga lakas

ng ating mga kababayan sa ibang bansa.

Tiyaga para makasahod ng sapat para

sa pamilya dito sa pinas.

Tiyaga na kahit medyo mahirap na

kinakaya pa rin,

Tiyaga na kahit murahin na ng amo

ay tinitiis pa rin.

Tiyaga na kahit ilang taon hindi makikita ang

anak/pamilya ay tinitiis.

SACRIFICE...

Mahirap maging isang OFW,

Challenges came ng hindi mo

alam kung kailan,

kung saan..

Sakripisyo ang pinakamahirap

na stage ng isang OFW.

Sakripisyong kailangang gawin para sa pamilya,

Sakripisyo para sa mga minamahal.

Sakripisyo para sa mga anak.

Ikaw ba naman ang mawalay sa anak

mo ng matagal na panahon?

Makakaya mo kaya?

O.F.W.

Okey Fine Whenever, wherever, Whatever

Saludo ako sa inyo.


Rss_feed