GOD is my GUIDE...
WheiLmharCuadra

WheiLmharCuadra

...Never PUT a GOOD MAN Down!!

KAHIRAPAN sa LUNGSOD

OPINYON: Sino Kandidato mo?

Sino Kandidato mo?

Isang napakasimpleng tanong at nangangailangan din ng simpleng sagot.

Isang taong na maaring makapagbago ng kalagayan ng ating mga kababayan sa kanayunan at maging sa kalunsuran man.


Mayo 13 ang itinalagang araw ng COMELEC (Comission on Election) para sa natatanging araw sa buhay nating mga PILIPINO, ito ay ang Eleksyon mula sa Pagkasenador hanggang sa Municipal Kagawad. Labing dalawang senador, isang gobernador, isang bise gobernador, isang congressman, board members, mayor, Vice Mayor, at Municipal Kagawad. Ito ang mga mahahalal sa araw na ito. Maaring sila ay mga bagong mukha, mga natalo noon na lumaban ulit ngayon, mga nanalo na ngunit lumaban pa rin o di naman kayay mga kapamilya ng dating namumuno. Ganito ang madalas na eksena o senaryo kapag may Halalan. Ngunit ang tanong, sila ba ang dapat masunod sa kagustuhan nilang makapasok sa katungkulan? Hawak ba nila ang ating mga prinsipyo? 


Malamang hindi, dahil pinanganak tayong may kaikibat na karapatan. Karapatan nating mabuhay, karapatang ipahayag ang saloobin at nararamdaman, karapatang magmahal. Sa mga karapatang ito natin nakikita ang ating responsibilidad sa sarili, kapwa at sa bayan. Simpleng mamamayan lamang tayo ngunit napakalaki ng ating ambag sa ekonomiya ng bansa, ang laki ng ambag natin sa pag-unlad at pagbagsak nito, ang laking ambag natin sa mga magagandang turismo meron dito. Kung sakali mang nalugmok tayo sa kahirapan, hindi kasalanan yun ng kalikasan, kasalanan natin yun. Walang ibang dapat sisihin kundi tayo din mismo. Kaya ngayong darating na ELEKSYON. Mamulat tayo sa riyalidad ng MUNDO, sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Nasaan na ang PILIPINAS ngayon? Nasa ating mga kamay ang susi para baguhin ang mga bagay na tinuturing nating bangungot noon. Pumili tayo ng Pinuno na may kapasidad at kakayahan para tulungan ang kanyang pinaglilingkuran. Wag tayong maSILAW sa mga salitang "MATUWID na DAAN" kung ang nakikita nati'y kaguluhan at KARAHASAN, GAGANDA ang BUHAY, kung kapalit nama'y pagdarahop at kahirapan. Piliin natin ang may prinsipyo at may magandang karanasan sa pagtatanggol sa mga apit pinahihirapan ng ilang mayayaman uri at may KAYAMANAN. Pumili tayo ng TAONG may magandang pangarap sa ating mga mamamayan. Taong hindi iniintindi ang sikat ng araw para lamang tayo ay matulungan, may eleksyon man o wala. Taong sa simula pa lang ay naging instrumento ng kagandahan at lahi ng tunay na pagkapilipino, lahing palaban. Taong ramdam ang ating kahirapan, ramdam ang ating sigaw at hiyaw sa lansangan, ramdam ang ating inaasahang tugon mula sa Pamahalaan. Kung ang kandidat mo ay meron ng mga ganito. Siya na ang iboto mo. Wag ka ng magdalawang isip pa. Kung manalo siya, magiging masaya ka dahil mabibigyan ng pagkakataong marinig ang boses mo, bilang isang mamamayan sa estado ng pamahalaan. Kung sakaling matalo man siya (sana nama'y hindi), magiging masaya ka pa rin dahil nasa puso mo ang tapat at tunay na kandidato. Pumili ayon sa prinsipyo at paniniwala. Mag-isip!!


-Wheilmhar Cuadra