GOD is my GUIDE...
WheiLmharCuadra

WheiLmharCuadra

...Never PUT a GOOD MAN Down!!

Blog

BASAHAN

Posted by wilmarcuadra on July 20, 2013 at 7:45 AM

BASAHAN

Alas Nuebe na ng umaga. Nagising ako ng isang malakas na tunog, Nagmumula pala ito sa CP ko, di ko naman ito inalarm, pero ang lakas lakas ng tunog. May tumatawag pala, Si Snap, isa sa mga aktibong Kabataan ng YIFI (Youth of Iglesia Filipina Independiente). Hindi ko inalintana ang kanyang tawag ngunit bigla ko na lang naalala na may importanteng bagay pala akong gagawin ngayong araw. Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga at mabilis na tinungo ang banyo, hubad sabay buhos. 9:30 na ako natapos sa paliligo. Ang araw pala na ito ay may lugar kaming pupuntahan na sinasabi nilang magmumulat daw sakin sa tunay na kalagayan ng aking paligid. Napapaisip tuloy ako kung anung lugar ito at kung saan. Tinext ko ang isa ko pang kapatid sa simbahan, Si Kuya Marc, ang dating Long hair na ngayo'y kalbo na. Di ko rin maisip kung bakit siya nagpakalbo, isang misteryo. Tinanong ko sa kanya kung saan an sinasabing pupuntahan na lugar. MULTINATIONAL!! Hintayin na lang kita dito, yun lang ang naging sagot niya sa text. Galing Las Piñas, sumakay ako ng tricycle papuntang Evacom, sa pagbaba ko sa EVACOM, nakita ko na naman ang batang minsang naikwento ko na rin sa mga nauna kong NOTES, kinumusta ko siya kung kumusta na, "Mabuti naman po kuya, idol!!" sabi niya sabay ngiti, ganun pa rin siya, nagmamalimos para may makain. at pagkatapos nun ay sumakay ulit ako ng Jeep papuntang Multi. At nung nasa daan na ako pagpasok sa Multi, isang nakakalungkot na imahe ang nakita ko, mataas ang harang na pader sa may gawing kanan ko, yun pala ay mga bahay ang nakatayo dun, mga ISKWATER, ILLEGAL SETTLER. Pilit na kinukubli ng nagtataasang pader para matakpan ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan. Sa kaliwa kasi nun ay nakatayo ang napakalawak na PALIPARAN. PALIPARAN na pag-aari ng iilang may kaya at matataas na uri ng tao sa lipunan.

Andun na pala sa may kanto naghhintay si kuya Marc, Masaya siyang kumakaway sakin, para bang ang tagal na naming hindi nagkita. Kinumusta niya ako, ngiti lang at simpleng okey lang ang naitugon ko. Tumulak na kami sa pupuntahang lugar, sabi niya ay exposure daw ang gagawin namin. Di na ko bago sa salitang EXPOSURE dahil minsan ko na rin itong naranasan ng pumunta ako sa TAGAYTAY kasama ang iba pang kabataan ng KKKP, kumbaga nailalarawan ko na ang magiging uri o anyo ng bahay na meron sila. Ordinaryo, Simple, at walang trabaho. Yun agad ang unang impresyon na pumasok sa isip ko. NGUNIT nagulat ako ng biglang dumaan ang isang EROPLANO sa mga bubong ng bahay na naroon. Hindi pala ito ordinaryo lang... Isa itong BAGONG HAMON sakin at pati na rin sa magiging tugon ko tungkol dito.

Nasa lob na ng bahay ang ibang Interviewee kabilang si kuya Marc, Kapatid na Reeve, isa pang ate na Ecumenical Partner ng Simbahan namin at si Len ng FOCOLARE, isang private organization. Tinatanong na nila si ate at kuya na may ari ng bahay. Nakita kong walang kasangkapan sa bahay maliban sa isang makinang pantahi at isang electric fan. pagtatahi pala ng BASAHAN ang tanging ikinabubuhay ng pamilya. Sa mga retaso mula sa mga PABRIKA ng tela, pinagdudugtong nila ito at ginagawang bagong produkto, BASAHAN, isang bagay, gamit, kasangkapan na alam na marahil ng karamihan, kung saan ito ginagamit, kung ano ang silbi. Yun ang kanilang pinagkakakitaan. Kakarampot na barya lang ang nakukuha nila mula sa mga produktong ito. Hindi ito sapat para sa kanilang mag-anak, ngunit sadyang mabait at mapagmahal ang DIYOS, may 2 anak ang mag-asawa, si Rose ANN na 4 years old na nasa DAY CARE na at si REDWARD na First Year high school na. Di ko na naitanong kina ate kung matalino ang kanilang panganay dahil nakita mismo ng mga mata ko ang mga medalyang nakasabit sa kanilang mga pader. May GOLD, SILVER Medal ang nakasabit dun, patunay lamang na may angking talino ang kanilang anak. Namangha din ako ng minsang ikinuwento ni ate na may magandang pangarap siya para sa kanyang mga anak. Naisip ko tuloy,, AKO!!! Anuh ba talaga ang BAGay na gusto kong mangyari? , Anung bagay ba ang dapat kong magawa,? Sa mga panahong iyong naisip ko na ang buhay na meron ako ngayon ay isa ng magandang regalo mula sa MAYLIKHA. Mapalad ako kung tutuusin, kumakain ako ng tatlong beses sa isang araw. May maayos na tirahan. May mga kasangkapan sa bahay, ngunit sila? TANGING MAKINARYANG PANTAHI lamang at electric fan. Nakatira sa maliit na tirahan.

Patuloy na nagkukwento sina ate at kuya sa estado ng buhay nila, nakikinig lamang ako sa mga kasama ko sa mga itatanong nila. Minamasdan ko na lang ang ginagawa ni ate habang naggugupit ng mga retaso para sa kanyang OBRANG BASAHAN.. Napasentro lang ang pandinig ko ng sinabi ni kuya na "Graduate ako ng MARINE, pero napeke ako." Isang katagang narinig ko na rin sa kaibigan ko sa probinsya namin. Mga kababayan nating napagsasamantalahan ng ibang mga may kaya at mayayaman, Sila lang ang nakikinabang sa mga pinagpapawisan ng mga aping mamamayan. Kakarampot na nga ang naiuuwi sa pamilya, Wala pang sapat na benipisyo para sa bukas na daratin. Kakasakit Isipin pero ito ang riyalidad ng buhay na nakita ko sa araw na ito, di ko man nararamdaman ang kanilang hirap na dinaranas ngayon, nauunawaan ko naman kung bakit patuloy silang bumabangon mula sa pagkakadapa at muling humakbang pasulong, PARA sa MAGANDANG BUKAS, PARA sa KANILANG mga ANAK, At PARA MAKAMTAN ang PANGARAP. Nasabi ko na lang, "Sa Bawat punas ng BASAHANG ginagamit ko ngayon, May TAO akong binibigyan ng pagkakataong HARAPIN ang ISANG MAGANDANG BUKAS"

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments